2 months nagclose tong shop namin, and as you all know, before kami mag close, maraming tumatawag dito na prank callers, kesyo tinext daw sa kanila yung number namin at pinapatawag daw sila sa number namin, for unknown reason.
Kung di naman kasi sila ewan, bakit ka susunod sa isang text na unknown sender tapos pag umulit pa ng text sau eh tatawag ka na naman?
So 2 months tumahimik ang buhay namin dahil sa pag close nitong shop.
Few days ago, nagsimula na naman sila. First it was Nina, looking for Katrina. (ME). It strikes me kasi although Katrina ang real name ko, I seldom use it. Mas kapanipaniwala pa kung Kat or Elay, pero Katrina? Ewan.
So di ko nakausap tong Ninang to dahil lagi akong busy.. Pinsan ko ang lagi niyang nakakausap at pag tatanungin siya kung bakit, binababa niya agad.
This morning, around 6am, tumawag ulit si Nina. And di ko siya nakausap ulit. Like usual, binaba na naman yung fone.
Tapos just about fifteen minutes ago, someone named Joan called na naman and asked for Me, Katrina ulit.
And this time, nagsabi na ng reason. MAY UTANG DAW AKO SA KANYA at kailangan ko nang bayaran dahil nasa ospital daw ang nanay niya at malapit nang mamatay.
I don’t know kung anung meron sa kaluluwa ng mga taong ito na pati nanay nila nagagawa nilang isama sa kasinugalingan nila. I’m not stupid enough to fall for these pranks. Una, wala kaming pinagkakautangan at lalong wala kaming kilalang Joan na dapat namin utangan.
I think isang grupo lang may pakana nitong mga pranks na to. Siguro tatawag muna sila at manghuhula ng name, and pag nahulaan na, bobombahin ka nila ng tawag ng different reasons, hay.
One person even told me “papapulis kita,” as if may grounds siya. Haha. Papulis daw niya ko kasi may nagtetext daw sa kanya na tawagan ang number namin, etc.
Hay buhay, ang daming naiisip na paraan ng tao para lang magkaron ng pera. Nakakainis lang kasi they go to the extremes for the pursuit of money.
Kaya ingat nalang, I don’t know yet what proper actions to do for these lowlives. Pero, may time din sila. :p
Mabilis ang karma.