Nakatayo ako sa pila sa KFC. Gutom na ko pero smile parin kasi next in line na naman ako…At least it gave me the chance para isipin pa kung one piece o two pieces chicken ang bibilhin ko. ahaha. And then napili ko ang bucket. APAT kasi kami. Haha.
And so I waited for my turn.
Napansin ko, nakakatatlong customer na yung nasa kabilang pila habang ako, naghihintay parin na masegregate ni counter lady yung chicken nung sineservan niya. Halatang newbie yung nasa counter kasi sinisigaw niya ang “Cheezy Bacon!” eh KFC yung store…. hindi Burger Machine. Sige, dahil nakakaaliw siya, smile parin ako.
Malapit na silang matapos… Nagbabayad na si customer… Inabot na ang sukli…
Huminga pa ko ng malalim, infairness, para mahanda yung sarili ko sa pagorder nang…
MAY SUMINGIT SA HARAP KO AT TULOY TULOY LANG SIYA SA PAG ORDER NIYA.
Sa gulat ko, wala akong nagawa. Ni hindi nga ako nakapagsalita agad. So nung naalimpungatan ako, sabi ko, “miss next time, sana pumila ka diba?”
At nangatwiran si ate…
Ate: Sorry, i was here first.
Breathe in… breathe out… ang laki ko namang bulag para hindi makita ang NAPAKALAKI niyang katawan. at nakasuot pa siya ng nagsusumigaw na PINK-ANG-TSHIRT ko, anong pake mo.
Sige, ok na. Palampasin…
So the waiting starts again.. at after ten thousand years, sa wakas natapos din sila…
“KFC Regular Bucket, drinks namin Mountain Dew. Thanks” with a smile pa ng sinabi ko yun.
Newbie: Okay po.
Me: And please, legs or thigh lang ha..
Newbie: Ay wala po kami nun ngayon.
Me: Okay, ano meron?
Newbie: Legs and thigh lang po.
Me: huh???
Pinalagpas ko ulit… Be kind to newbies. Understand her situation… Breathe in… Breathe out.
Nilagyan niya ng yelo yung mga baso… sabay punta sa counter at bumulong..
Newbie: Ano nga ulit yung drinks niyo mam?
Me: (Breathe in…breathe out) MOUN-TAIN-DEW.
Newbie: Ah. Oo nga.
Pagdating niyang counter, naisip kong I don’t want to go through the whole waiting again kaya nagorder na ko ng dalawang extra rice.
I gave her my P700 and THANKFULLY, she gave me the right change.
Newbie: Thank you for your order, enjoy your meal.
Me: (Heavy breathe in… heavy breathe out..) Miss, yung softdrinks, naiwan mo pa dun.
Newbie: Ay oo nga pala.
I smiled at her again, ayoko nang masyado pang pasamain ang araw niya. “Cool ka lang miss..” sabi ko pa bago ako umalis at umakyat sa second floor.
Nakaupo na kami at ready to eat na ng napansin namin…
WALA YUNG DALAWANG EXTRA RICE.