Oct
9
2007
Pilit ko siyang tinanong, nung minsang napagtripan ko lang mangulit… Maraming tanong sa isip ko na hinahanapan ko ng kasagutan. Pero madalas di ko maitanong. Sa ganung pagkakataon bigla lang lumalabas yung tapang ko. Kaya sinamantala ko.
“Mahal mo ko kahit na?”
Ngumiti lang siya. Natunaw na naman ako. Muntik ko nang makalimutan ang tanong ko nung hinalikan niy ako. Pero, gusto kong malaman. Para alam ko kung ano yung mga bagay na pinagtitiisan niya sa ugali ko. Ayaw niyang sumagot, wala daw siyang maisagot. Siyempre, makulit ako. Pinilit ko siya.
“Mahal kita kahit na sinusungitan mo ko pag inaantok ka na.”
“Mahal kita kahit na iniiwasan mo kiss ko pag tulog ka.”
Hays.
Mahal ko siya kahit na malakas siya humilik.
Mahal ko siya kahit na daig niya pa ang bata kung mangulit.
Mahal ko siya kahit na sinusungitan ko siya.
Mahal ko siya kahit na iniiwasan ko ang kiss niya pag antok na ko.
Mahal ko siya kahit na madalas kong sabihin na di ko siya mahal.
Mahal ko siya kahit na di ako naglalambing.
Sa lahat ng rason na alam ko, at sa mga rason na di ko alam, isa lang ang sigurado ako. Mahal ko siya…
Dahil, Kahit na, O kahit ano pa ang kasunod. Mahal ko siya.
no comments
Oct
2
2007
kanina pa ko umiiyak.
everytime nagtetext yung kapatid ko, naiiyak ako talaga. ngayon ko lang sobrang nadedefine yung sinasabing “tears of joy”.
ganito kasi yun. di kami close ni joy. i mean, oo given mahal na mahal namin isa’t isa. there are number of times na pinagtanggol niya ako at pinagtanggol ko siya. pero after nun, away away naman kami.
mas madalas kami mag away kesa magkaintindihan, and the truth is, di ko na matandaan ung last time na nag i love you siya sakin or ako sa kanya.
but then, mahal ko siya tlaga. she’s the only sis i have. and no matter what, kung anu man o sino man ang manakit sa kanya, alam ko pagtatanggol ko siya.
ayun.
kanina pa siya text ng text, punta daw ako sa dorm niya sa recto kasi may gift daw siya para samin ni bob. sinong ate ang hindi maiiyak naman?
grabe na to. automatic na yung luha.
hays. gumaganda ng gumaganda ung relationship naming magkapatid. and i hope tuloy tuloy na to. gusto ko maging responsableng ate para sa kanya. i wanna be able to give her the things she wants, di lang yung mga kailangan niya.
waaaa.. ang drama ko. wag sana siya mapadpad dito, kundi buking na ko. hehehe.
at para dagdagan ang drama, check nio yung dating dating post ko dito, na kelan lang nireplyan niya.. happy birthday.
5 comments