I miss my Adams family.
Yeah, i have my own version of that family.. Sa Engineer’s hill, baguio city.
Dun kami sa boarding house sa may dulo, lagpas kay manang capitalista, malapit kay Bossing, na may rice-all-you-want promo basta dine in. Pero pag take out, one cup lang talaga, walang labis, walang kulang. (na hanggang ngayon di ko mafigure out bakit ganun.) Ang sinigang kay bossing dapat tinitimplahan pa ulit kung ayaw mong magtaka kung bakit may kamatis ang nilaga mo. Hehe!
Anyway, doon kami sa maroon gate, na ilang beses naring inakyat, tinalon o sinubukan sungkitin ng mga boardmates ko pag nahuhuli sa curfew na 9pm. Di naman tatahol sa Britney, ang asong sobrang tahimik. Ingat lang dahil baka sumilip si Tita Mel at ma-lagot-kang-boarder-ka.
Si Tita Mel ang dahilan kung bakit kami naging Adams family. Adams kasi apelyido niya, at take note: nakaemboss yun sa aming maroon gate.
Anyway, masaya, magulo at masakit sa ulo ang pagiging miyembro ng Adams family. Bakit nga naman hindi, 16 na babae kami dun. 15 dalaga at 1 lola.
Iba’t ibang personalidad, may mahilig mag iwan ng tsinelas sa kung saan sya huli naupo, meron namang mahilig ngumata ng chokichoki habang nanonood ng Wowow (na kung akala mo ay wholesome, nagkakamali ka.) Merong hindi makakain ng walang sawsawang toyomansi, merong umiinom ng suka as in vinegar, merong hindi nagplaplantsa ng damit, merong mahilig sa ukay ukay, merong spongebob squarepants ang short, meron ding pooh ang pantulog.. May ginagawang tubig ang mudshake, vodka at lambanog… Na di naglaon naging empi nalang. pero isa lang ang common denominator.. Lahat kami pwdeng mabuhay sa de lata. (kahit walang opener!)
Masaya. Bumaba ka lamang sa engr’s hill, tawid ka lang kalsada at voila! Sm baguio ka na… Ang extension ng boarding haws namin. Charge-an ng cellphone pag walang kuryente, kainan pag tinatamad magluto, home theater pag walang magawa, etcetera etcetera. Ay, sa second floor, tanaw mo na yung boarding haws namin. Tapos pag may fireworks display or live bands, silip lang sa bintana ng room namin solve na. Siyempre may vodka o lambanog yang kasama.
Astig ba o astig?
Di ko alam kung pang ilan ako sa magkakapatid sa Adams. Isa kc ako sa mga huling pumasok sa “Bahay ni Tita.” Pero madalas nilang sabihin na ako ang bunso.. Bakit nga naman hindi.. Eto ang sa tingin ko e mga dahilan…
1. Ako yung muntik na masagasaan ng Victory bus liner dahil nalaglag ang yema ko sa gitna ng kalsada, na isa isa kong pinulot, at kundi pa sumigaw si Mai na merong paparating bus, malamang headline na ko sa kinabukasang tabloid, “Dalaga napitpit dahil sa yema.”
2. Ako din yung kasama ni Mai na nabiktima nung kunwari nagtatanong ng papuntang grotto tapos hanggang sa mapunta na sa donation, na bibigyan ka daw ng Baby Jesus (na gawa naman pala sa plaster of paris) pag nagdonate ka. Pag nadala ka sa bulaklaking agenda nya at magdodonate ka na, maglalabas cya ng notebook na maliit at titignan kung magkano ang minimum amount na pwede mo ibigay base sa age mo daw at school. Bale 400 yung bill namin, discounted pa daw. In the end, kami pa ni Mai yung nagkautang sa kanya ng 40 pesos. Haha!
3. Nung nakita ko yun na may binibiktimang iba, mula sa kabilang kalsada, sumigaw ako, “Miss wag ka maniwala, niloloko ka lang nyan! Naloko ako nyan!” Mula nun, inabangan na ko nung mamang yun sa baba ng engr’s hill. Ang di nya alam, meron pang daan na iba. Hehe. Hanggang sa nagsawa na cya at nag iba na ng hotspot.
4. Ako din yung nahimatay sa session road habang nakapila para magwithdraw. Puro galos yung likod at binti ko, si Mai yung sumundo sakin para iuwi ako sa bahay. Paguwi, sempre gagamutin nya dapat sugat ko. E takot ako sa alcohol. Wag daw ako magalala, maligamgam na tubig lang daw yun kaya lublob ko na yung paa ko. Pag lublob ko, guess what. 90% ata nun alcohol. T.T
Pinatulog ako ni Khaye sa kama nya para di ko na kelangan pa umakyat.
5. Ako din yung habang nagfifit ng damit sa SM e naipit yung middle finger sa pintuan at namuo yung dugo sa loob na may kasamang konting maga. Pinakita ko kay Khaye at sabi nya kelangan daw namin tusukin yun para lumabas yung dugo. Sabi ko, cge basta walang alcohol. Sabi nya oo daw, naniwala naman ako. Pinutok nya gamit sterelized needle tapos nung dugo na ng dugo, out of nowhere, as in di ko alam kung pano nangyari yun, binuhusan nya ng alcohol, pwera pa dun, diniinan nya pa ng bulak na basang basa ng alcohol yung middle finger ko. Minura ko cya ng minura. “PI Khaye! Sbi mo walang alcohol!” sabi ko. “PI Kat, wag kang magulo! Di mo ba alam takot ako sa dugo?!”
At sobrang mahal ko na cya dahil sa ginawa nyang yun.
6. Ako din yung mahilig uminom ng suka. Vinegar. Masarap eh. Lalo na yung pinagbabaran ng mangga na binibili namin ni Dang kay Manang Mani. a.k.a Manang Mangga. Universal flavor tawag sa sawsawan na yun. It’s sukang ilocos with bagoong and chili powder. Suka aside, bestfriend ko din ang mudshake, vodka ice at lambanog. Until isang araw, habang kumakain kami ni Joy ng bopis na binili kay Bossing, ayun, nagburp ako ng dugo. Tananantanannnn! Pumasok pa ko sa school, nagcollapse, dinala sa clinic tapos pinayuhang magpunta sa hospital. Natawa nga yung nurse sakin kasi naglalakad pa akong nagpunta sa ER habang nagdudugo na pala yung sikmura ko. Hehe! Si Kae at Khaye ang kasama ko nun. Pero kinailangan nila ako iwan sa ER para kunin ang ATM ko at para tawagin si Tita mel. Bumalik sila just in time para makita akong iniinjection sa butt at pinapasukan ng tube sa ilong na dapat lunukin ko hanggang sa kaya ko lunukin.
7. Nung nasa ward na ko, with that freakin tube still on my nose-throat, dumating ang buong clan. Sabi ko bawal ako tumawa, masusuka kc ako dahil nga dun sa tube. Pero wala silang paawat. Manood daw ba ng ethel booba scandal! Nasuka tuloy ako kakatawa at kawawang mama cor, cya ang naglinis lahat.
8. Syempre, di natapos dun lahat. After maospital, mailang beses rin ako nahulog sa kama. (sa taas ako ng double bed). Syempre to the rescue parin ang mga room mate ko na naging expert na sa pagsalo sakin. Nagkaron na nga sila ng SOP. hehe. C khaye sa ulo, Kae sa katawan, Joy sa paa. Hahaha!
9. Pati si lola nakuntyaba ko nung minsang napagtripan kong umuwi sa manila ng lasing at naibigay ko cp number pati dorm adress ko sa isang taga tarlac. Syempre pinuntahan ako sa dorm. Todo acting si Lola nun na pinakiusapan kong medyo takutin ang aking unwanted visitor. Haha. Sa sobrang effective ni lola, d na ko binalikan sa dorm. Pero inabangan ako sa labas. Hahaha!
10. Hehe. Siyempre, nung nadulas ako sa Mines View at napigtas ko yung sandals ko, to the rescue si Aster, ang reyna ng mga tsinelas. Hehe!
Actually, madami pa, madami pang kalokohan,at katatawanan pero baka mapagkamalan nang novel to.
Bakit ko to nasulat? Cguro miss ko sila, at yung buhay ko nung kasama ko sila… Wild, carefree, independent… 16 yrs old lang ako nun, freshman.. At i can really say, masaya ang part na yun ng buhay ko.
Masarap balikbalikan.